Putong Balanghoy Recipe:
Ingredients:
5 lbs. Kinayod na Balanghoy
3 kutsarang Brown na Asukal
1 tasang Kinayod na Niyog/Coconut
2 lbs. na dahon ng saging
2 lbs. na dahon ng saging
Una balatan ng maayos ang Balanghoy at kayurin ito ng dahan dayan. (pweding gumamit ng yero na binutasan ng maraming butas gamit ang paku para sa pangkayud sa balanghoy) pag nakayud na lahat pigain ito gamit ang tila o damit at ibilad sa araw para matuyo.
Pagtuyo na masahin ng dahan dahan para maging pino at ilagay sa isang malaking kasirola o planggana at saka ilagay ang asukal at kinayod na niyog. masahin ng dahan dahan. pag nahalo at namasa na ang mga ingredients itabi muna at. Mag handa ng lutuan.
Kumuha ng maliit na kasirola or kong walang maliit na kasirola maghanap ng lata ng gatas yong large size. kumuha ng Bagul o Coconut Shell linisan ng mabuti at butasan ang ilalim gamit ang matulis na kutsilyo malilit na butas lang mga 8 butas pwede na. ipatung ang coconut shell o bagul sa maliit na kasirola or lata at takpan ang mga gilid nito gamit ang basang tila or yong kinayod na balanghoy para di sumingaw ang init mula sa ilalim.
Isalang ang lutuan at lagyan ng 3 basong tubig wag lakasan ang apoy. pag uminit at kumukulo na lagyan o latagan ng dalawang hiniwang dahon ng saging one inches ang lapad ilagay ito ng pa cross bago ilagay yong kinayod na balanghoy dapat wag punuin kc tutubo at aalsa pa yan kapag maluluto na. Pagnailagay muna ang kinayod na banghoy lagyan sa taas ng dahon ng saging bago takpan ng takip ng kasirola. lutuin ng 30 to 40 minutes. icheck palagi kong may tubig pa baka matuyuan ng tubig ang loob ng kasirola.
Pilipit (Balanghoy) Recipe:
Ingredients:
5 lbs. Kinayod na Balanghoy
1/2 kutsarang Asukal (optional)
1 tasang gatas ng Niyog/Coconut milk
2 pirasong hinog na saging na latundan o Saba
2 pirasong hinog na saging na latundan o Saba
Una balatan ng maayos ang Balanghoy at kayurin ito ng dahan dayan. (Kung walang panggayod na nabili pweding gumawa gamit ang yero na binutasan ng maraming butas gamit ang paku) pag nakayud na lahat pigain ito gamit ang tila o damit. Pagnapiga na ilagay sa isang malaking kasirola o planggana at saka ilagay ang ibang mga ingredients; tatlo't kalahating kutsarang brown na asukal, isa't kalahating tasang gatas ng niyog at dinurog na hinog na saging.
Paghaluin ito ng mabuti at masahin ng mabuti pagtapus kumuha ng kutsara at hatiin ito tag isang kutsara o dalawang kutsara at masahin ng pahaba at ipilipit ito gamit ang mga daliri sa kamay. Pagkatapus mo gawin ito mag handa ng kawali at cooking oil. isalang ang kawali sa mahinang apoy pag uminit na ang kawali lagyan ng cooking oil at painitin ng konti bago ka magumpisang magluto para di dumikit ang niluluto mo. lutuin lang ito ng 20-30 minutes pag brown na ang kulay yan ay luto na. kailangan bantayan mo rin para di ka masunogan.
iRaid (Balanghoy) Recipe:
Ingredients:
5 lbs. Kinayod na Balanghoy
3 kutsarang Brown na Asukal
1 tasang gatas ng Niyog/Coconut milk
1/4 kls. na dahon ng Saging
1/4 kls. na dahon ng Saging
Una balatan ng maayos ang Balanghoy at kayurin ito ng dahan dayan. (Kung walang panggayod na nabili pweding gumawa gamit ang yero na binutasan ng maraming butas gamit ang paku) pag nakayud na lahat pigain ito gamit ang tila o damit. Pagnapiga na ilagay sa isang malaking kasirola o planggana at saka ilagay ang ibang mga ingredients; tatlo't kalahating kutsarang brown na asukal, isa't kalahating tasang gatas ng niyog paghaluin at masahin ito ng mabuti.
Linisin ang Dahon ng saging, hatiin ito ng tig- 5 inches ang lapad at ilagay sa kasirola lagyan ng tubig at pakuluan. pagkakulo tanggalin agad ito sa kasirola at patuyuin bago punasan. kunin ang minasang balanghoy kasama ang ibang ingredients at kumuha ng kutsara at hatiin ito tag isang kutsara o dalawang kutsara at balutin sa dahon ng dahan dahan. pag nabalut na lahat ngayon mag prepare ng kasirola or electrical food steamer. lagyan ng 2 basong tubig at ilagay ang binalut na kinayud na balanghoy. lutuin ng 40-45 minutes.
Comments
Post a Comment