Sa mga lumipas na mga panahon ngayon ay unti unti ng nagkaroon ng pagbabago ang lugar ng Sto Nino at Camandag Island kung dati at masukal at maputik ang mga daanan patungo sa karatig Barangay ngayon ay unti unti na itong ginawan ng kalsada at ito ay kinakatuwa ng nakararami lalo na sa mga mag aaral ng high school kung dati ay nahihirapan silang lakarin mula sa kanilang barangay patungo sa Sto Nino proper kong saan doon sila nag aaral ng high school ngayon ay madali nalang nilang marating dahil pwede na nilang takbuhin o sumakay ng Bike o Motor bike para makarating agad sa kanilang paaralan.
Ngunit ang simentadong kalsada sa isla ay limitado pa lamang sa tamang bayan, kaya ang layunin ng proyekto ay upang buksan ang isang bagong kalsada na magkonekta sa iba pang mga barangay sa paligid ng isla, upang sa gayon ay makagawa ng isang linya ng kalsada. Ang nasabing proyekto sa kalsada ay nagsisimula sa Cabunga-an at magtatapos sa Mactang, na dumaraan sa walong iba pang mga barangay, katulad ng: Calong, Salvasion, Ilijan, Mag-abo, San Vicente, Baras, Langoyon, at Mahudag.
Sa Camandag Island naman ay unti unti naring nagkaroon ng mga circumferential road o mga kalsada na kumukonekta sa karatig barangay. kung dati ay mahirap akyatin ang mga daanan dahil sa makitid at matirik na pangpang nayong ay unti unti na itong pinapatag na talaga namang makapag bibigay ng ginhawa sa mga tao lalo na sa mag-aaral na araw araw pupunta sa karatig barangay. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pagkakakonekta sa loob ng munisipalidad ng isla, ang kalsada na dumadaloy ay magbibigay-daan para sa maayos na daloy ng kalakal at mapadali ang pag-unlad ng socioeconomic sa pamayanan.
Comments
Post a Comment