Sa Panahon ngayon marami ang gustong kumita ng extra income sa internet pero paano nga ba kikita ng wala kang bibitawang pera o capital? Sa makabagong tiknolohiya ngayon pwede ka ng magkaroon ng extra income ang kailangan mo lang ay computer o celphone at internet at syempre ang oras para dito. May dalawang lebring pagkikitaan sa internet ito ay ang Vlogging at Blogging at ito ang ating tatalakayin ngayon.
1.) Ang Vlog o Vlogging ay yong mga tinatawag rin na mga Youtubers sila ang gumagawa ng mga content videos. ang mga video nila ay nilalagyan ng overlay Sponsor Ads ng Google Adsense. Ang mga lumalabas na mga advertisements sa video before and after ng video content ay siyang nagbibigay sa kanila ng income o revenue. pag may nagclick or may nanood sa mga videos nila automatic magkakaroon sila ng commission.
Paano gumawa ng Vlogging Channel?
Una kailngan mo ng Email Account pag may Email Account kana open mo ang YouTube.com at mag register ka. pag naka register kna kailangan mong magisip kong ano ang magandang video content na gagawin o iupload mo kailangan yong original content kc kong mag re-upload ka lang ng video na galing sa ibang channel hindi ka ma-monetize o hindi magkaroon ng revenue ang video mo dahil sa copyright. kung may malinaw na HD Camera Recorder ka mas maganda pero pwede na yong celphone muna ang gamitin habang wala ka pang mga Vlogging equipment na nabili.
Narito ang list ng ilang content video na pwede mong gawin:
1.) Travel Vlog- Gagawa ka ng video about sa mga lugar na napuntahan mo, Gumawa ng video habang naliligo sa beach or Videohan mo ang sarili o ang ginagawa mo habang nangingisda kayo.
2/) Life style & Fashion - Videohan mo sarili habang sinusukat ang nabili mong damit. Videohan ang sarili habang nagluluto ng ulam o bagong putahe.
3.) Beauty & Healthy Tips - Gumawa ng video habang inaayusan ang sarili at gumawa ng video habang nag exercise, sumasayaw o nagsozumba kasama ang tropa.
4,) Acting Prank videos - Gumawa ng video kasama ang mga kaibigan dito nyo masubukan ang galing sa acting.
5.) Music Covers o playing Instruments - ito ang da best kapag marunong ka mag guitara o may play ng piano videohan mo ang sarili mo hanang tumu-tugtog at kumakanta ka.
Ngayon kapag nakagawa kna ng video pwede mo na itong iupload sa Youtube Channel mo. Pero kung gusto mo itong pagandahin lagyan mo ng titles at background sounds ang video para mas maganda panoorin at para naman mas madali mong makuha ang requirements para sa monetization ng YouTube dapat marami kang video na maiupload upang magkaroon ka kaagad ng 1000k subscribers at maabut mo agad ang 4000k watch hours para maging qualified ang channel mo sa Monetization.
2.) Ang Blog o Blogging naman ito ay isang website o webpage na kung saan ang mga blooger ay nagtatampok ng mga Artikulo o balita sa internet sa pamamagitan ng pagsusulat at paglathala ng mga artikulo sa kanilang website o webpage. May mga free webpages na pwede mong gamitin para makapagtampok ng mga artikulo isa dito ay ang google blogger (https://www.blogger.com/).
Sa Blog o Blogging kikita karin dito sa pamamagitan ng Sponsor Ads ng Google Adsense. Hindi tulad sa Vlogging sa YouTube kung saan ang mga Ads ay Awtomatik na lalabas o awtomatik na magkaroon ng ads ang video mo. Pero dito sa Blogging kailangan mo mag lagay manualy ng Google Adsense Codes sa webspage o sa blog pages mo para magkaroon ka ng Sponsor Ads at para makakuha ka ng revenue commission tuwing may bibisita sa blog mo o kung may mag click sa Sponsor Ads sa mga artikulo na pinost mo. Dito pwede mo ilagay ang Sponsor Ads Codes sa taas, sa gitna o sa ibaba ng blog pages na ginawa mo.
Paano gumawa ng Blog o Blogging Web Page?
Una kailangan mong gmawa ng email account sa Gmail.com pagkatapus mong gumawa ng email mag-log in ka sa iyong Google account. Kapag naka-log in ka na, i-click ang siyam na tuldok na grid sa kanang tuktok ng screen browser upang buksan ang listahan ng mga Google apps at pagkatapos ay i-click ang icon na "Blogger". At Sa pahina na bubukas, i-click o pindutin ang “Create Your Blog” button.
Sunod naman ay pumili ng isang pangalan ng display na makikita ng mga tao kapag binabasa nila ang iyong blog. Hindi ito dapat maging iyong tunay na pangalan o hawakan ng iyong email. Maaari mong baguhin ito mamaya. Kapag nagpasok ka ng isang pangalan, i-click ang “Continue to Blogger.” Handa ka na ngayong lumikha ng iyong blog. Sige at i-click ang pindutan ng “Create New Blog” button.
Kapag na click nyo na ang icon na "Create New Blog" bubukas ang panel na kung saan kailangan mong pumili ng isang Pamagat, Address, at Tema para sa iyong blog.
Ang Pamagat ay ang pangalan na ipinapakita sa blog, ang Address ay ang URL na gagamitin ng mga tao upang ma-access ang iyong blog, at ang Tema ay layout ng kulay at kulay para sa iyong blog. Ang lahat ng ito ay maaaring mabago sa ibang pagkakataon, kaya hindi kritikal na makuha agad ito.
Ang Address ng iyong blog ay dapat na [isang bagay o pangalan].blogspot.com. Kapag sinimulan mo ang pag-type ng isang address, ang isang kapaki-pakinabang na pagbagsak ay nagpapakita sa iyo kung ano ang magiging pangwakas na address. Maaari mong i-click ang mungkahi upang punan ang bahagi ng ".blogspot.com" awtomatikong lalabas ang pagpipilian mo. Kung may nagamit na ang Address na nais mo, isang mensahe ang ipapakita na ipaalam sa iyo na kailangan mong pumili ng ibang bagay.
Kapag napili mo ang isang Pamagat, at isang magagamit na Address, para sa isang Tema, i-click ang “Create Blog!” icon.
Tatanungin ng Google kung nais mong maghanap para sa isang isinapersonal na pangalan ng domain para sa iyong blog, ngunit hindi mo kailangang gawin ito. I-click ang "No Thanks" upang magpatuloy. (Kung mayroon ka nang domain na nais mong ituro ang iyong blog, magagawa mo ito sa anumang punto sa hinaharap, ngunit hindi ito kinakailangan.)
Pagkatapus ay may lalabas na mensahe "Binabati kita, nilikha mo ang iyong blog!" Ngayon handa ka nang isulat ang iyong unang post sa blog. Upang gawin ito, i-click ang pindutan ng "New Post". Binuksan nito ang screen ng pag-edit. Maraming magagawa mo rito, ngunit ang mga pangunahing kaalaman ay upang magpasok ng isang pamagat at ilang nilalaman.
At kapag naitype mo na ang iyong artikulo idouble check muna ang mga salita para maiwasan ang mali o kulang sa titik o letra. at kapag na check mo ito ng maayos iclick ang "Save" at iclick din ang "Publish".
Ngayon kung may Vlogs o Blogs kana ang gagawin mo naman ay ishare o ibahagi mo ang bawat nagawa mong video o artikulo sa iyong mga Social Media, sa facebook, sa twitter at sa iba pang mga social media account na ginawa mo. dahil pag marami kang viewers sa video content o sa blog mo malaki ang posibilidad na magkakaroon ka kaagad ng revenue income.
Paano ba Maglagay ng Adsense Code?
Una mag sign up ka muna sa Google Adsense https://www.google.com/adsense at kapag naka gawa kana ng account sa Google Adsense mag sign ka at iclick and "Ads" makikita mo sa kaliwang bahagi ng screen at pumili ng Ad Unit na gagawin apat na klasing ads unit ang pwede mong subukan.
Kapag naiclik mo na ang napili mong ads unit lagyan ito ng pangalan kailangan yong ilagay mong pangalan sa Ad Unit mo ay naayon sa tema ng artikulo na ginawa mo. kapag nalagyan mo na ito ng pangalan iclick ang "Create"
at kapag naiclick mo ang copy pumunta balik sa iyong blog post at mag type ng palatandaan halimbawa "xxxxxxxxxxxxxxx" sa loob ng iyong post kung saan mo gusto lumabas ang Sponsor Ads. mag type ka ng leter X ng sambong beses para madali mo itong makita pag naka HTML view kana.
at pag nalagyan mo na ng palatandaan kong saan mo ilalagay ang Adsense Codes iclick mo ang HTML View icon na makikita mo sa bandang itaas sa may kanang bahagi ng screen.
at saka hanapin mo ang nilagay mo na letter xxxxxxxx sa loob ng HTML. pag nakita mo na dahandahan mo ididelete mga letter Xxxxxxx at palitan mo ng Adsense Code. dyan mo i paste ang adsense code sa loob ng >l<.
at kapag nailagay mo na ang adsense codes click "Publish" at mag antay ka ng 15 minute to 30 minutes bago lumabas ang Ads sa artikulo na pinost mo. at para mas madaling lumaki ang commission mo dapat ishare mo ang mga ginawa mong mga video at blog articles sa lahat ng Social Media account; sa facebook, sa twitter, sa tumblr, etc.
Kung may mga katanungan ka maari kang mag iwan ng iyong mga tanong o mensahe sa ibaba sa may comment section ng ating blog. maraming salamat sa iyong pagsubaybay mabuhay po kayo mga kababayan.
Comments
Post a Comment