Ang Bibingka (Baked Rice) na gawa sa bigas ay isa sa pinakamasarap na pagkain sa probinsya lalo na pag ito ay niluluto sa pamamagitan ng apoy. sa siyudad kasi ang pag-gawa nila ng bibingka ay sa Oven na nila ito niluluto. napakasarap nito lalo na pag ito ay mainit kaya hindi ko ito makalimutan kainin pag nauwi ako sa probinsya ng Samar. Simple lang ang pag-gawa nito kaya pwede mo rin itong subukan. Narito ang mga sangkap at ituturo ko sa inyo kong paano ito gawin.
Mga Sangkap:
2 dalawang tasang Bigas
2 itlog na malalaki
3/4 isang tasang Puting asukal
500 ml. Gatas ng Niyog
1/4 kalahating kutsarang Asin
3 tatlong kutsarang baking powder
1 isang kutsarang yeast
------------
Kagamitan
Brender/ or Gilingan
1/2 kls. Dahon ng Saging
Oven/or Malaking Lata ng Biscuit
(pagwalang kuryente) Uling/ or tuyong dahon ng buko
1.) Una hugasan ng maigi ang bigas at ibabad ng isang oras sa 500 ml na Gatas ng niyog. Habang nakababad ang bigas ihanda ang ibang mga kailanganin.
2.) Hugasan ang dahon ng saging at magpakulo ng tubig sa kawali at ilagay ang dahon ng saging pagnag-iba na ang kulay ng dahon pwede mo na itong tanggalin at patuyuin.
3.) Pagnatuyo na ang dahon ng saging punasan ito at gupitin ng pabilog. at ihanda ang lalagyang hulmahan o molding cans. kung wala kang hulmahan pwede yong mga lata ng gatas ng alaska hatiin sa gitna.
4.) ihanda ang mga natirang sangkap: 2 itlog na malalaki, 3/4 isang tasang Puting asukal, 1/4 kalahating kutsarang Asin, 3 tatlong kutsarang baking powder, 1 isang kutsarang yeast
5.) maglagay ng kalahating tasang maligamgam na tubig sa bowl at ilagay ang isang kutsarang Yeast at kalahating kutsarang Asukal paghalutin ito at ibabad hanggang 10 minuto.
6.) Kapag kompleto na ang mga sangkap at sakto na sa oras ng pagkababad sa Bigas. igiling o ibrender ang Bigas at salain ito pagkatapus magiling at ilagay sa kasirola o tupperware at ilagay na amg mga sangkap at paghaluin ng maigi, at ibabad ito hayaan ng dalawang oras.
7,) Pagkalipas ng dalawang oras haluin uli ito at ihanda na ang hulmahan at lutuan para umpisahan na ang pagluluto.
8.) ilagay ang ginupit na dahon ng saging sa latang hulmahan at maglagay lang ng kalahati sa bawat hulmahan kasi aalsa pa ang bibingka pag ito ay maluto na.
9.) ihanda ang lutuan kong walang Electric Oven pweding sa Lata ng biscuit mo ito lutuin. Lutuin lang ito sa katamtamang init. Pag nagkulay brown at nagbuka na ang itaas ng bibingka indikasyon yan ay luto na.
Tulad sa pagluluto sa probinsya ginagawa nila ang pagluto ng Bibingka gamit ang lata ng biscuit. isinilid sa loob ng lata ang hulmahan at takpan ito. Nilalagyan ng panggatong na apoy sa taas at ibaba ng lata.
Kung nagustohan mo ang ating artikulo tungkol sa pagluluto ng Bibingka paki Share mo ito at sa susunod gagawa pa tayo ng iba pang mga artikulo tungkol sa ibang pang mga pagkaing pinoy. Maraming salamat sa inyong pagbisita sa ating blog. Asahan nyong marami pa tayong mga post na magbibigay ng konting kaalaman sa inyo.
Comments
Post a Comment