Hindi masama ang mag ambisyon na magkaroon ng mga bagay na gustong gusto mo pero minsan ang sobrang paghahangad nito ay magdudulot din ito ng di maganda at minsan magtutulak pa sayo sa kapahamakan. Tulad nalang ng isang dalagita na naghahangad na magkaroon ng gintong alahas parehas ng alahas na sinusot ng kanyang kababatang kapitbahay.
Anita: "Wow ang ganda naman ng singsing mo at kwentas" kailan kaya ako magkaroon ng ganyan" sabi ni Anita habang naglalakad sila ni Rowena ang kababata nyang kapitbahay na anak ng isang balikbayan.
Rowena: "Bigay ito ng Daddy ko nung umuwi siya. ayaw ko nga suotin kc nabibigatan ako at hindi ako sanay magsuot ng ganito kalaki na kwentas at singsing.
Anita: "Ang ganda nga eh sosyal ka tingnan swerte mo talaga dahil mayaman ang daddy mo"
Rowena: "Mayaman nga pero sobrang higpit naman nila ayaw nga ako palabasin ng bahay kaya lang ako nakalabas ngayon kc wala sila. Tara halika na maligo na tayo sa pangpang na miss ko na tumalon sa taas ng bato.
Anita: "Tara! dahan dahan lang baka madulas ka".
at Masayang naliligo ang magkakaibigan sa pangpang mayamaya ay dumating na ang nanay ni Rowena at pinauwi na sila.
Rowena: "Best halika na uwi na tayo nandyan na sila mommy nagagalit na eh"
Anita: "sige best mauna kana, maliligo pa ako maya maya uwi na rin ako.
Naiwan na mag-isa si Anita na naliligo sa pangpang. habang nakatayo siya sa malaking bato may napansin si anita na kumikinang sa di kalayuan dahil sa mababaw lang ang tubig nilapitan at nilusong ni anita para tingnan kung ano ang kumikinang na nakita nya. Laking gulat nya na isa palang itong Singsing. nagmadali siyang pulutin ito at bumalik siya sa pangpang. Dahil sa kanyang nakita nakaramdan siya ng kaba iniisip nya na kanino kaya yong singsing gayong suot suot naman ng best friend nyang si Rowena ang mga alahas nya bago ito umalis.
Pauwi na sana si Anita ng may napansin na naman siyang kumikinang sa ilalim ng dagat nagulat siya dahil dumami ang mga ito. agad na tumalon si anita at sinisid ang isang kumikinang na bagay sa mababaw na parte at nang makuha nya ito halus mapasigaw siya sa tuwa dahil isa itong napakagandang Bracelet na kulay ginto. Habang nasa dagat siya naisip nya na hanapin pa ang ibang kumikinang at nakita nya sa bandang malalim sinisid nya habang nakadilat ang mata nya at nakita nya ang kumikinang ay isang malaking kwentas ramdam nya ang bigat nito ng ito ay kanyang nahawakan. ngunit ng papanhik na sana siya paitaas para umahon biglang nabitiwan nya ang kwentas. muli siyang sumisid at kunin ang kwentas na nalaglag ngunit nahirapan siya kasi nakasiksik ito sa pagitan ng dalawang bato. dinukot nya ito ng biglang sumikip at naipit ang kamay nya bumalikwas ng bumalikwas si anita ngunit di parin nya matanggal ang kamay sa pagkaipit. unti unting kinakapus na siya sa paghinga at nakakainom na siya ng tubig dagat ng may biglang humila sa kanya paitaas.
Tulong! Tulong! (sigaw ni Berto na isang para-pamana) mabilis na dinala si anita sa pangpang. ilang minuto ang lumipas nagising si anita na yakap yakap na siya ng kanyang tatay. "Bakit ka ba kasi pumunta ka sa malalim alam mo namang hindi ka masyadong marunong lumangoy dapat sa mababaw ka lang sana naligo" sambit ng tatay ni anita.
"Kasi tay may nakita akong mga alahas ito nga tingnan mo" dali dali tumayo si anita at pinuntahan ang kinalalagyan ng Singsing na nakuha nya kanina tinakpan nya ito ng dahon "ito tay tingnan mo". nagulat ang tatay nya ng makita nya ito. "Saan mo ito nakita?" tanong ng tatay nya. "dyan tay dyan sa ilalim ng da.." biglang napatigil si anita sa pagsasalita dahil yong mga kumikinang sa ilalim ng dagat ay naglahong bigla.
Di na rin nagsalita ang tatay nya dahil noon paman alam na ng tatay nya ang kwento tungkol sa kumikinang sa pangpang ngunit bihira lang ang pinapakitaan nito. simula noon ay di na pumupunta si anita sa pangpang dahil pinagbabawalan na siya ng kanyang tatay. at ang singsing na nakita nya ibinalik ng tatay nya dun sa pangpang kasama ang tambalan at nag alay sila ng dasal.
Comments
Post a Comment