Akala ng mangingisda nakadaong sila sa isang Ciudad ngunit ng lumiwanag nagulat sila dahil nasa taas ng pangpang ang kanilang Bangka
Minsan may mga nakikita tayong mahirap paniwalaan may mga bagay din na mahirap ipaliwanag tulad nalang ng kwento ng isang mangingisda na muntik ng malunod ang kanilang bangka dahil sa lakas ng hangin at alon ngunit dahil sa liwanag na ilaw na kanilang nakita nakaligtas sila sa unos ng bagyo.
Pauwi na sana ang bangkang sinasakyan nila ng abutan ng hagupit ng bagyo dahil gabi at madilim nahihirapan silang tuntunin ang daan patungo sa kanilang isla. Sa lakas ng hangin nagsiliparan ang mga gamit nila sa bangka sumasabay din ang bayo ng malakas na alon sa subrang dami ng tubig na pumapasok sa kanilang sasakyan di nakayanan ng kasama nila na limasin ang tubig dagat mas lalo pa itong tumaas ng sumabay din ang malakas na buhos ng ulan. ang mga kasama nila ay panay sigaw may umiiyak at nagdarasal.
Hanggang may natanaw silang liwanag sa di kalayuan sinundan nila ang liwanag na nakita nila at ng malapit na natanaw nila na isa itong pier ng Ciudad dahil sa maraming ilaw at mga sasakyang dumaraan sa kalsada at may barkong nakadaong sa gilid ng pier. agad silang dumaong sa pantalan. Napansin nila na walang katao tao sa pantalan kaya hindi nalang muna sila bumaba sa kanilang bangka bagkus ay inayus nila ang bangka nilimas ang tubig dagat sa loob at pagkatapus sila ay nagpahinga na.
Kinabukasan pagsikat ng araw nagulat nalang sila dahil ang bangka nila ay nakapatong na sa pang-pang ng isang maliit na isla. Ang pinagtataka nila bakit sila nakarating doon gayong Ciudad ang tingin nila noong gabi na sila ay dumaong at paano naipatong sa pangpang ang bangka nila gayong sobrang bigat nito? Maya maya ay may dumating na matandang mangingisda sakay ng isang maliit na bangka at ganun din ang tanong sa kanila ano daw ang nangyare bakit nakadaong ang bangka namin sa isla na yon gayong puro malalaking bato ang nasa tabing dagat at paano nailagay sa taas ng pangpang ang bangka namin. Pero bumulong ang mangingisda "baka tinulungan kayo ng engkanto para makaligtas kayo sa malakas na bagyo" pabulong na sambit nito. at dahil sa kanilang nalaman mula sa matandang mangingisda agad nila iniahon dahan dahan ang bangka para makauwi na sa kanilang lugar. Nakaramdam man sila ng takot at naguguluhan sa pangyayare nagpapasalamat parin sila dahil ligtas silang nakauwi sa kanilang mga mahal sa buhay.
Comments
Post a Comment