Naglinis ang kasambahay at nakatagpo ng paldo paldong pera, pero duda siya na itoý "honesty test lang sa kanya ng kanyang Amo.
Minsan ang ibang mga amo upang malaman nila ang ugali ng kanilang kasambahay kung ito ba ay matapat at di magalaw ang kamay ay sinusubukan nila ito sa pamamagitan ng pag pain ng pera o alahas kung saan malalaman ang pagiging matapat ng kasambahay kung ito ay hindi nila ginalaw.
Ang katapatan kasi ay napakahalaga lalo na kung ikaw ay nangangamohan o nagsisilbi sa ibang tao. Sa panahon kasi ngayon maraming hindi nagtitiwala dahil marami din ang di mapagkatiwalaan.
Isang OFW ang nagbahagi ng isang karanasan matapos siyang makatagpo ng isang bundle ng pera habang naglilinis ng bahay ng kanyang amo.
Sa kanyang post ibinahagi niya na inutusan siyang maglinis ng bahay noong nakaraang linggo ngunit nagawa lamang niya ito noong araw na mismong natagpuan niya ang pera.
Mapapansin na isang bundle ng foreign money ang nakasingit sa isang sulok sa taas ng kisami ng bahay. ngunit kahit na ito ay nagkahalaga ng malaki ay hindi sumagi sa isipan ng OFW na pagtangkaang kunin ito.
Binahagi niya sa kanyang post sa isang Pinoy OFW group sa Malaysia ang kwento.
"Pa post po admin share ko lang sabi ng amo ko last week simulan ko daw maglinis. pero ngayon lang ako maglilinis sa buong bahay tas ito nakita ko sa taas, ano to pain? lah di ako nasisislaw may sahod naman ako, diko gagalawin ito padaanan ko lang ito ng basahan"
Sa mga sinabe ng domestic helper ay mukhang hinayaan na lamang niya na nadoon lang ang pera kung saan niya ito natagpuan. dahil ang duda niya ay baka sinubukan lamang siya ng kanyang amo kung masisislaw ba siya sa pera at kung kukunin ba niya ito.
Sa pahayag ng domestic helper mukhang wala siyang intensyon na kunin ang pera dahil bukod sa kinakabahan siya may takot din siya sa panginoon.
Sagot naman ng mga netizens na nag komento sa post nya - Sana ay kinuha nalang niya ito at binigay sa amo nya upang malaman ng amo nya na wala talaga siyang balak na kunin ang pera. sabi naman ng iba baka nakalimutan na ng amo nya ang pera sana kinuha nya at ibinalik sa amo nya. Samantala ang iba naman ay nagsasabi na tama lamang ang hinayaan nalang niya na nandoon ang pera upang malaman ng kanyang amo na hindi nya ginalaw ang pera.
Comments
Post a Comment