Ang panaginip ay itinuturing na isa sa pinaka pinakamakabuluhang bahagi ng pagtulog ng isang tao. Ito ay maaring maglaman ng mga bagay na naganap sa nakalipas, babala sa mga maaring mangyari sa hinaharap o premonisyon mga hindi naihayag na saloobin o pangarap at nilalaman ng ating isip na wala sa ating kamalayan o tinatawag na subconscious mind. Ngunit paano kung isang mabangis na nilikha ang lumitaw gaya ng ahas sa panaginip? Ano nga ba ang kahulugan kapag nanaginip ka ng Ahas?
Ang panaginip na ahas ay may iba’t ibang kahulugan, kung kaya’t mahalagang alamin ang kulturang kinalakihan ng nananaginip. Sa Silangang kultura at relihiyon, ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip ay positibong pangitain. Itinuturing itong simbolo ng Kundalani isang konsptong Hindu ukol sa enerhiya. Ang panaginip tungkol sa ahas ay nangangahulugan din sa kanila ng pagpukaw ng karunungan, kamalayan ng espiritu at kapangyarihan. Pinaniniwalaang ang mga ganitong uri ng panaginip ay nangangahulugan na ang nananaginip ay may nakatagong kakayahan na naghihintay na matuklasan.
Sa ilang mga Kristiyano naman, ang panaginip na ahas ay may taliwas na kahulugan. Kung sa makalumang kahulugan o Pang-Tradisyunal ang pagbabatayan ng Ahas sa panaginip ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay; Kaaway o kaya'y kaiingitan.
Ibig sabihin may mga lihim at lantarang naiinggit sayo kaya ang ahas ay nagpapakita sa iyong panaginip. Mag-iingat ka dahil anumang sandali mula sa araw ng napanaginipan mo ang ahas, maari kang tuklawin nito ibig sabihin lalo ka nilang sisiraan at wawasakin.
Ang ahas sa panaginip ay kumakatawan sa kaaway, pagtraydor at panlilinlang. Itinuturing itong simbolo ng mga sitwasyon at pagsubok na maaring pagdaaanan ng isang nananampalataya. Dahil ahas ang karakter na luminlang kay Eba sa Hardin ng Eden ayon sa aklat ng Genesis sa bibliya, inihahalintulad ng isang Kristiyano ang mga naganap sa bibliya sa kasalukuyang pinagdadaanan; kung paanong nagkasala ang tao ngunit sa huli ay dumating ang Tagapagligtas na si Hesus upang tumubos. Ngunit sa kabilang banda ang panaginip tungkol sa ahas ay nagsisilbi ring paalala na sa kabila ng mga pagsubok at dagok sa buhay ay may nakaabang na daan upang muling makatayo.
KAHULUGAN NG PANAGINIP NA AHAS AYON SA PSYCHOLOGY
Ang Psychodynamic Psychology, naman ay may malawak ibig sabihin ng ahas sa panaginip. Sapagkat ang panaginip ay pinto upang tuklasin ang daan patungo sa mas maunlad na paglago at lugar kung saan naisasakatuparan natin ang mga bagay na maaring nais nating gawin habang gising ngunit hindi natin nagawa, maaaring ang panaginip tungkol sa ahas ay daan upang mailantad ang mga nakatagong takot at pangamba ng nananagignip na hindi nagkakaroon ng pagkakataong masabi ng bibig dahil napipigilan ng iba’t ibang dahilan.
Higit na nakaaalarmang bahagi ng panaginip tungkol sa ahas ay ang panaginip na hindi mo lamang nakita ang mabangis at madulas na hayop na ito kundi kinagat ka pa. Sa kabuuan, pinaniniwalaang ang makagt ng ahas sa panaginip ay nangangahulugan ng babala o panawagan at paalala tungkol sa paraan ng ating pamumuhay. Babala tungkol sa mga panganib na maaaring dumating kung hindi magiging maingat. Panawagan na maaaring may mga hamon na hinaharap ang nananaginip sa kanyang emosyonal na aspeto na hindi pa niya nahaharap kaya’t hindi nahahanapan ng solusyon. Paalala na maging higit na maingat sa kapaligiran.
Para sa ilan, ang panaginip na nakagat ng ahas naman itinuturing na isang bangungot dahil ang nananaginip ay kadalasang nagigising na may pangamba at pagkatakot. Dahil sa katangian ng ahas na pagiging tuso, pinaniniwalaang ang mga ganitong uri ng panaginip ay nangangahulugan na napipigilan ang kakayahan ng nananaginip na magdesisyon at pumili sa aspeto ng relasyon. Maaari rin itong simbolo ng mahigpit na pagtanggi sa tukso at mga sitwasyon an humahamon naman sa paniniwala at prinsipyo ng nananaginip.
KAHULUGAN NG PANAGINIP NA KINAGAT NG AHAS SA KAMAY
Ang panaginip naman ng kagat ng ahas sa kamay ay may magkaiba ring pinaniniwalaan dahilan depende kung kaliwa o kanan. Sapagkat kadalasang ang kaliwang kamay ang mas mahina sa dalawang kamay, maliban sa mga kaliwete, ang kagat na ahas sa kaliwang kamay ay iniuugnay sa kahinaan o kakulangan ng kakayahan. Ito rin ay sumisimbolo ng takot sa pagpili o di naman kaya ay kalagayan kung saan ang nananaginip ay madaling masasaktan. Posibleng ang taong ito ay minsang may kakayahang gawin ang isang napakahalagang bagay sa nakalipas ngunit ang kakayahan ay unti unting humina o nawala sa paglipas ng panahon. Maaari rin itong mangahulugan na ang taong nananaginip ay nalantad sa mga bagay niyang kinatatakutan at nakararamdam siya ng kawalang kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Sa kabilang dako ang panaginip naman ng kagat ng ahas sa kanang kamay ay maaring mangahulugan ng palatandaan o babala sa mga desisyong gagawin. Ang nananaginip ay nahaharap sa paggawa ng desisyon kung saan hindi lamang ang kanyan kapakanan ang nakataya kundi ng nakararami; maaaring kinabukasan ng pamilya o desisyong pinansyal na may malawakang epekto. Ito ay pwedeng ituring na babala upang pag isipang mabuti ang gagawing desisyon at wag magpadalos dalos sa paghakbang. Posible ring tingnan ang malaking pagbabago na pinagdaraanan ng nananaginip kung kaya siya nananaginip ng ganito.
KAHULUGAN NG PANAGINIP NA MARAMING AHAS
Ang panaginip naman ng maraming ahas ay mayroon ding iba’t ibang interpretasyon depende sa reaksyon at nararamdaman ng nananaginip. Maaari itong mangahulugan ng mga bagong bukas na pintuan sa buhay gaya ng hanapbuhay, trabaho o pagkakataon upang mapalago ang kakayahan. Pwede rin naman itong panawagan na maging mas malawak ang pananaw at maging bukas sa pagbabago upang makasabay at malasap ang mga bagong oportunidad na dumarating. Minsan ito ay isang hamon upang hawiin ang takot at humakbang ng mas malayo, dahil sa hakbang pala na iyon mararanasan ang hinihintay na kagalingan, kapayapaan o kaligayahan.
Kung ang maraming ahas naman sa panaginip ay natagpuan sa kwarto o sa mga pribadong lugar sa bahay, maaaring panawagan ito upang pagtuunan muna ng pansin ang privacy at ang personal na kapakanan. Maaaring masyado nang napuno ng alalahanin para sa maraming bagay ang nananaginip at may mga bagay sa kanyang buhay na kailangan nya muling itama upang maging kalakasan din para sa iba.
Sapagkat ang itim ay kulay na madilim, ito ay kumakatawan sa mga bagay na hindi hayag at negatibo. Ang panaginip ng itim na ahas ay maaaring nangangahulugan ng kalungkutan o depression na kasalukuyang pinagdadaanan ng nananaginip na nararapat gawan ng aksyon. Sa kabilang banda, ito rin ay sumisimbolo sa pagbabagong nagaganap sa buhay. Maaaring hindi kaaya-aya ngunit mahalaga. Ang puti naman ay sumisimbolo ng kalinisan ng puso, kadalisayan at mabuting intension. Ito ay mensahe ng panibagong simula, kapayapaan at kapanatagan.
Ang pagkaranas ng pananaginip ng ahas ay may napakalawak na interpretasyon at kahulugan. Maaari itong mag iba-iba ayon sa paniniwala, kalagayan sa buhay, relihiyon at marami pang ibang dahilan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay maging mapanuri sa bawat interpretasyon, kunin ang makabubuti at simulang lakaran, dahil ano man ang anyo ng interpretasyon ng isang panaginip, sa huli ang desisyon pa rin ng nananaginip ang makapg iiwas sa kanya mula sa kapahamakan at magdadala sa kanya patungo sa landas na makabubuti hindi lamang para sa kanya kundi para sa lahat.
betmatik
ReplyDeletekralbet
betpark
tipobet
slot siteleri
kibris bahis siteleri
poker siteleri
bonus veren siteler
mobil ödeme bahis
FJOJLJ
bahis siteleri
ReplyDeletehttps://bahissiteleri.io
youwin
bets10
1xbet
7LÄ°37Ä°
canlı sex hattı
ReplyDeletehttps://girisadresi.info/
heets
salt likit
salt likit
ZCV
ardahan
ReplyDeleteartvin
aydın
bağcılar
balıkesir
W3X
https://saglamproxy.com
ReplyDeletemetin2 proxy
proxy satın al
knight online proxy
mobil proxy satın al
8HSA
zonguldak
ReplyDeleteağrı
bakırköy
alanya
aksaray
P8HJ