Tapus ng manalasa ang Bagyong Ambo sa Calbayog at sa mga karatig bayan ng Western Samar. ayun sa mga residente ramdam nila ang lakas at bagsik ng hangin na dala ni Ambo. Nagsimula ang pagbayo ng malakas na hangin bandang 5:00 kahapun Huwebes ng hapon. Nawalan ng kuryente ang buong siyudad ng Calbayog. tumagal hanggang alas 10:00 ng gabi ang malakas na pabug-so bug-song hangin at ulan.
Maraming puno ang nasira nagliparan ang mga dahon at mga putol na sanga ng kahoy. di rin nakaligtas ang mga tanim kahit sa loob ng bakuran ang mga tanim at halaman ay nasira din sa sobrang lakas ng hangin. ang mga saging na mayron na sanang bunga ay pinatumba sa lakas ng hangin kaya kanya kanyang linis ang mga residente sa kanilang bakuran pati mga opisyales ng barangay ay nagtulong tulong din sa paglilinis sa mga kalsada.
May mga residenting nag evacuated iniwan ang kanilang bahay dahil alam nilang malakas ang dala na hangin ni Ambo. maraming bobong ng bahay ang nasira nagkalat ang mga basura at mga dahon ng kahoy sa kalsada at labas ng bahay. Ayun sa mga residente pasalamat parin sila dahil hindi lumakas ang ulan na dala ni ambo. kong nangyare na malakas ang ulan at hangin di lang ganito ang pinsalang iniwan ni Bagyong Ambo.
Sa Karatig isla naman bahagyang maalon ang dagat na may pabugso bugsong malakas na hangin na rumaragasa sa baybayin ng dalampasigan ng mga isla ng Sto. Nino, Camandag, Almagro at Tagapul-an. Nagtulong tulong ang mga residente para maiahon mula sa daungan ang kanilang bangka ang iba ay dinala ang mga bangka nila sa kalsada malayo sa baybayin ng dagat para ligtas sa malaking mga alon.
Ang Bagyong Ambo o (Vongfong) ay siyang pinakaunang bagyo na tumama sa lupa sa taong ito na may dalang malakas na hangin at pabug-so bugsong pag-ulan. sa ngayon untiunting tinatahak ng bagyong ambo ang lugar ng kamaynilaan sa luzon.
Tulungan po nating ipagdasal ang ating mga kababayan na sanay gabayan sila sa lahat ng oras. sanay hindi lumakas pa ang bagyo na tatama sa kanila. Ang dasal natin at pananalig sa diyos at sa ating sarili ang siyang magliligtas sa atin sa oras ng kalamidad.
Comments
Post a Comment