Ang Mangingisda (Mandaragat)
Sa pagsikat ng araw sa dakong silangan
May gintong pag-asa tayong masisilayan
Kung ang lupa'y mayroong biyayang tinatataglay
Sa dagat may gintong yaman na ikabubuhay
Sa tulong ng lambat at sipag ng bisig
Sa pusod ng dagat kami nakahilig
Ang alo't amihan na laging kasama
Ang unos sa laot hindi alintana.
Kaming magdaragat may mithiing magiting
Upang mapaunlad itong bayan natin
Sa buong sambayanan iaalay namin
Ang puso at lakas dugo't buhay namin.
Tulugan nyo kami na bantayan ang yamang dagat
Itaboy ang illegal maghanap buhay ng patas
dadami ang mga isda kung gamit lang ay lambat
at sa bawat pa-laot ay may huli na sapat.
"Hanapbuhay Mangingisda"
Bawat isdang nahuhuli karugtong ay buhay
Sa bawat uwing may dala dulot ay sayang walang humpay
Salamat sa Panginoon sa kalikasan na dala ay biyaya
Mangingisda’y tunay na dito’y pinagpapala..
Bawat mangingisda ay hindi alintana ang panganib na nag
aabang
Masilayan lamang ang karagatan at sa pamumuhay nitong
inilalaan
Marangal na hanapbuhay kanilang ipinamamalas
Tyaga , pasensya, kahit abutin pa ng bukas..
Mga mangingisda saan mang dako ng mundo
Ay may kani kaniyang karanasan at kakaibang kwento
Sa kanilang mga mata ang kalikasan ay nakakahalina
Sapagkat sa kanilang buhay ito’y nagbibigay ginhawa..
Tuwing pag palaot dasal nila sila'y makahuli
upang mayrong maibenta at sa pagkain mayrong pangbili
hanapbuhay mangingisda, minsan mayron minsan ay wala
Maraming Salamat po sa mga tula. Pwede ko po ba itong ma-iprint at mai-share sa isa sa mga meetings naming sa mga mangigisda ng Laguna de Bay?
ReplyDeleteIssa Baptista
Okay po
Delete