Sa panahon ng habagat kadalasan ay maalon ang dagat kaya yong ibang mangingisda nahihirapan pumalaot lalo na sa malayong daku ng karagatan.
Bukod sa malalaking alon bumabayo din ang malakas na
hangin kaya naman maslalong lumalaki ang mga alon na humahampas
sa dalampasigan.
Ang mga bangkang maliliit ay naka bara sa taas ng
daungan upang hindi masira ng malaking alon.
Mahirap ang isda sa panahon ng
habagat kaya yong ibang mangingisda ay gumagawa nalang ng alternatibong paraan
para may mai-ulam na mailagay sa hapag kainan.
Isa sa mga alternatibong paraan sa panghuhuli ng isda
ay tinatawag nilang Pana. Ang pana ay gawa
sa kahoy, alambre at Guma.
Isa din sa pinakamadaling paraan para makakuha ng
makain mula sa dagat ay ang Panginginhas 0
Panginhas. Ito ay ginagawa lang sa tabing dagat na hanggang tuhod lang
ang lalim. Ang mga shells na makukuha ay kadalasan nasa gilid at ilalim ng mga
bato.
Comments
Post a Comment