Proud na proud ang Binata na ibahagi ang kanyang buhay bilang anak ng isang mangingisda. Sa kabila ng kahirapan at pangungutya sa kanya, nagtapos siya sa kolehiyo bilang isang Civil Engineer -Payo niya para sa mga katulad daw niya na huwag hayaang maging balakid ang kahirapan at pangungutya ng ibang tao para abutin ang mga pangarap. Kapos man daw sa buhay at madalas na tawagin "Taga Puro" hindi ito naging hadlang para abutin ang kanyang mga pangarap.
Ang ama ni Ejay ay isang mangingisda habang ang kanyang ina naman ay nagtitinda ng gulay at daing. Mayroon siyang dalawa pang nakababatang kapatid. Ang kita daw ng kanilang mga magulang ay minsan sapat at minsan ay kapos lalo na't tatlo silang nag-aaral. Minsan ay napag-aawayan daw ng kanyang mga magulang ang mga gastos sa kanyang pag-aaral. “Isang beses sinabi sa akin ng aking ama na nais niyang magpahinga matulog nang higit pa ngunit sinabi niyang kailangan niyang magtrabaho upang magpatuloy ako sa aking pag-aaral. Ginigising daw kasi nya ang kanyang ama sa madaling-araw para manghuli ng isda. "Sa pagbabalik-tanaw, maluluha ang aking ama habang nakatingin sa amin kapag natutulog kami. hindi pa kami makagalaw masyado dahil napakaliit lang ng aming bahay. " At dahil malayo ang kanyang pinag-aaralan sa kanilang lugar, kinailangan niyang tumira sa isang boarding house sa Ciudad. Nahirapan din daw siya na malayo sa kanyang mga magulang ngunit ang iniisip na lang niya ay ang pagsasakripisyo ng mga ito para siya makapagtapus.
"Ang edukasyon ang tanging magagawa mo upang matulungan kami." sabi pa ng kanyang ina. Dahil dito, mas nagpursige siya sa kanyang pag-aaral. Para makakuha ng discount sa kanyang tuition fee, kailangang mapanatili niya ang kanyang mataas na grades sa school. Nagtinda rin siya ng mga daing para makatulong. At kapag walang pasok ay umuuwi siya sa kanila para tumulong na magtinda ng isda "Ito ay sa isang maagang edad na natanto ko kung paano ang buhay," aniya. "Habang nagbebenta ng isda't daing, lagi kong sinasabi sa aking sarili na kailangan kong matapos ang kolehiyo upang matulungan ang aking pamilya at mga kapatid." At dahil na rin sa kanyang tyaga, pagpupursige at pagmamahal sa pamilya, napagtapos nya ang kurso sa kolehiyo.
Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang "Habang tinitingnan ko ang aking mga magulang naisip ko ang aking pakikibaka, napagtanto ko na lalo itong lumalakas. At nais kong pasalamatan ang aking mga magulang. Anumang mga nakamit ko, dahil ito sa kanila."
(At dahil sa ganda ng kanyang background sa pag-aaral, agad siyang kinuha ng isang companya na kanyang inaplayan sa online)
"Nagiipon at Nagtitipid ako upang matulungan ko ang aking pamilya at para sa edukasyon ng aking mga kapatid hindi ako nahihiya na magbenta ng mga isda at daing. Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol dito ngunit ngunit ang iba na taga Ciudad ay pinagtatawanan ako tinatawag nila akong "Taga Puro". Siguro kung hindi ko napagdaanan ang mga hamong iyon, ang pagsusuot ng toga ay hindi ko makamit ngayon itoý walang katumbas na halaga. Kaya hindi tayo dapat sumuko kahit kutyain tayo ng ibang tao wag ikahiya ang ginagawa basta ito ay tama at ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng ating mga pangarap" "Hindi ko makakalimutan kung saan ako nagmula. kung saan ko nakagisnan ang ugaling magpagkumbaba at pagiging mabait sa kapwa. Ako ay proud na isang anak ng mangingisda at isang tindero ng isda. "sa kasalukuyan, pursigido si Ejay na mapagtapos ang kanyang dalawang kapatid bilang ganti sa suporta at sakripisyo ng kanilang mga magulang.
Comments
Post a Comment