
Ang virus na matatagpuan sa shrimps o hipon ay tinatawag na white spot syndrome virus and acute hepatopancreatic necrosis disease.
“Pag sa gabi, makikita mo na parang maraming ilaw doon sa tubig isa ito sa mga senyales na mayroon white spot syndrome. Ang tinatamaan lang nito ang internal organs and so it will cause mass mortality pag ito po ay dumapo sa ating mga shrimp farms,” Pahayag ng BFAR Region IV-A Director.
Dahil sa pagkamatay ng maraming isda sa Laguna Lake nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa virus na matatagpuan sa tilapia at hipon.
Paliwanag ni BFAR Region 4-A Director Sammy Malvas, ang pagkamatay ng mga isda ay resulta ng pagbaba ng lebel ng oxygen o biglaang pagbabago ng temperatura.
Ang nasabing virus ay tina-target ang internal organs ng isda, tulad ng atay at utak. Patuloy na binabantayan ng BFAR ang sitwasyon at pinayuhan ang mga mangingisda na magpatupad ng biosecurity measures laban sa mga nasabing virus. Ire-require din ng ahensya ang health certificate para sa pagbiyahe ng mga tilapia at hipon.
Tiniyak din ng BFAR sa publiko na ang mga virus sa hipon ay hindi nakamamatay sa mga tao basta ito ay nahuli na buhay at hindi daw ito nakaka sama sa kalusugan.
Ngunit pag ito ay nakuha na lumulutang na maaaring magkaroon na ito ng mga bakterya o iba pang mga nakakapinsalang organismo na kakapit sa loob ng patay na isda at maaring mapanganib sa kalusugan ng tao pag ito ay kanilang nakain.
Idinagdag ni Malvas na ang talamak na sakit na hepatopancreatic necrosis ay maaaring maging sanhi ng isang "banayad na pagkabagot ng tiyan" sa mga tao.
Comments
Post a Comment