Nasa Gitna ng malakas na Alon ang isang Barkong sinasakyan ng mga manlalakbay, lulan ng Barkong ito ay grupo ng mga Tao, mag kaiba iba ang kulay nila sa bandang kanan ay Pula sa bandang kaliwa ay asul, sa dulong bahagi ay dilaw at sa unang bahagi ay puti., Hindi ko alam kung mga anung uri sila ng Tao., pero ang naririnig ko sa di kalayuan ay mga ingay ng hinaing na malakas pa sa hampas ng alon sa gilid ng Barko., Ang iba naman ay may mga pinag lalaban pero hindi marinig sa kadahilanang maingay ang Paligid.
Masang-sang ang amoy ng barko sa ibabang bahagi. Makalat ang paligid, puno ng hindi mapaliwanag na basura ngunit parang wala lang sa mga taong namamalagi doon, lambong sila ng sanay na sanay na sa ganung anyo at ayos. Sa ibang bahagi ng barko ay marangya., Malinis, mamahaling kubyertos sa hapag at ang daming masasarap na pag kain. Nakadamit ng Maayos at maraming mga taga silbi na paroon at parito, para mag lingkod sa mga taong nasa bahagi na iyon ng Barko.
Tuloy ang malakas na alon., sa di kalaunay Bumuhos ang malakas na ulan at gumuguhit sa kalangitan ang matatalim na kidlat na balak maghati sa kalangitan. sa Pag- Buhos ng ulan na patuloy na pag daloy nito ay unti unting Napapasukan ng ibabang bahagi ng Barko., Kalunos lunos ang sumunod na tagpo., nakita ko ang mga walang malay na nalunod sa tubig pasinghap-singhap at ang iba wala ng Buhay.,
May ibang Pilit na nag lakas ng loob na sumisigaw ng tulong sa taas na bahagi ng Barko., ngunit animoy Binggi sila at patuloy ang pag Tungga ng Alak sa kupita at tuloy ang masayang buhay habang ang mga tao sa ibabang bahagi ng Barko ay patuloy na nakikipag laban sa Tubig.
Patuloy ang aking Pag mamasid Haggang sa Humantong sa Pag akyat ng mga tao sa itaas na bahagi ngunit hindi sila maka sampa kasi tinutulak sila ng mga bantay sa paligid., nanlupaypay at ang iba'y nawalan na ng Buhay.
Nangilid sa aking mga mga mata ang luha, gusto ko silang tulungan ngunit wala rin akung bosses., Gusto kung sumigaw ngunit alam kung binggi sila.,
Pinatunog ko ang Ang hudyat ng serena at ito ay umalingaw ngaw sa buong paligid ng Barko., Lumingon ang iba., Nakita nila ako., sumigaw ako na tulungan ang mga tao sa baba ng Barko., Mangilan ngilan ay unti unting tumulong sa akin sa pag salba sa iba pang may Buhay., Ngunit ang mga tumulong ay tuluyan din tinulak pa baba kasi hindi raw sila kapanalig., ang sakit sa dibdib na halos tumagos sa aking buto ang sakit na ang mga tumulong ay napahamak rin.
Pumunta ako sa sulok pikit mata., Tahimik, hindi umimik at kumibo sa takot na baka itulak din ako sa ibaba at magaya sa ibang tumulong.,
Patuloy ang Pagbuhos ng Ulan, Bumibigat ang pasanin ng barko, mangilan-ngilan nalang ang may buhay sa baba., Patuloy ang kasiyahan sa itaas na bahagi.
Sumapit ang ilang Oras sa pag bigat ng barko ay unti unti itong lumulubog , sumigaw ako sa mga naroroon.
"Lumulubog na ang Barko" nag sipiglas ang mga tao sa taas kumilos ng mabilis ngunit huli na ang lahat ., sama sama kaming lahat sa pag lubog ng Barkong iyon., (Pilipinas)
Kung gusto ng Pag babago sana Magkaisa ang lahat at maging Patas ang Batas.,
kung Gusto ng Maka ahon dapat pantay sa lahat...
Walang kulay, walang kapanalig. Sana marinig ang maliliit na tinig.
Itigil ang away sa kapangyarihan kawawa ang mga taong nasa laylayan ng lipunan na naiipit sa gitgitan ng dalawang nag babangayan. ♥
Pilipino ka, Pilipino ako hindi ibang lahi ang kakampi natin kundi tayo. Laban ng isa ay laban nating lahat. huwag nating maging Huli ang lahat kung totoong ikaw ay maka bayan.
Comments
Post a Comment