
Isang Lola ang muntik ng madaganan sa gumuhong bahay dahil lakas ng lindol na nagyare kamakailan lang sa lugar sa masbate. Marami ang nanginig sa takot dahil sa biglang paglakas ng pagyanig ng lupa nagbitak-bitak ang ilang bahagi ng kalsada at nasira ang mga pader ng mga bahay matapos ang 6.6 magnitude na lindol sa Cataingan, Masbate.

Ilang establesemento ang nasira at isa ang inulat na nasawi at mahigit 20 ang sugatan pinadapa din ng lindol ang maraming bahay at gusali sa epicenter nito sa bayan ng Cataingan. Sa lakas ng pagyanig, naramdaman ang lindol sa mga karatig-lalawigan.

Pagkatapus ng lindol nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Barangay Matayum, Cataingan, Masbate dahil sa abnormal na pagtaas ng tubig sa dagat.
Pero ayon naman sa PHIVOLCS, walang banta ng tsunami sa naturang pagyanig ngunit inaasahan pa rin ang mga AFTERSHOCKS sa mga susunod na mga oras.
Comments
Post a Comment