Ang Pantalan ay mahalaga sa isang isla ito ay daungan ng mga pampasaherong bangka at mga malalaking bangka ng mga dayuhan na nag-aangkat at nagdadala ng mga paninda. kaya normal lang sa isang lungsod o barangay sa isla ang mayroong pantalan dahil bukod sa hindi sila nababasa pag sumakay sila sa bangka nakakapagbigay din ito ng ginhawa lalo na sa mga kargador masmadali nilang maibaba at maisakay ang mga kargaminto.
Pero paano nga ba kung maraming pantalan ang isang isla, Tama ba na magtayo ng mga pantalan ang mga bahay na malapit sa tabing dagat?
Ayun sa isang mangingisda na mula sa Sto Nino Samar may isang barangay sa Camandag island na maraming Pantalan karamihan sa mga nagtatayo ng pantalan ay mga nakatira malapit sa tabing dagat at ito ay hindi ikinatuwa ng mga maliliit na mangingisda dahil nawalan na sila ng daungan ng kanilang bangka. dagdag pa nya "Dapat ginawan nalang nila ng pader ang bahay nila wag nila sakupin ang tabing dagat paano na kami saan namin ilalagay ang aming mga bangka".
Kaya ang tanong ngayon ng mga mangingisda tama nga ba na tayuan ng maraming pantalan ang isang barangay? paano na ang kanilang mga bangka? Saan sila dadaong? Paano na ang kanilang kabuhayan?
Comments
Post a Comment