MALALAKING
alon na ayon sa mga nakaligtas ay kasingtaas ng punong niyog ang rumagasa sa
mga kabahayang nasa tabing dagat sa Tacloban, at iba pang bayan sa Leyte
ganundin sa Eastern Samar noong umaga ng Nobyembre 8 2013. Itinulak nang napakalakas
na hangin (325 kph) ang tubig dagat at ilang sandali lang ay naging waterworld
ang mga bayan sa nabanggit na dalawang probinsiya. Nasa 5, 235 katao ang huling
tala na namatay at 1,613 pa ang nawawala. Pinaniniwalaang natangay nang
malaking alon ang mga biktima at nalunod. ,Maraming bangkay
ang natagpuang lulutang-lutang sa dagat. Mayroong mga bangkay na nakita sa
tambak ng mga nawasak na bahay at mga natumbang puno.
Ang mga nawasak na bahay sa
baybaying dagat ay leksiyon na dapat bigyan ng pansin ng pamahalaan ang nangyaring kalamidad ay sapat na o sobra-sobra pa para maghigpitan ng
pamahalaan sa mga nais magtayo ng bahay sa tabing dagat. Ngayon dapat magbantay
ang pamahalaan at bigyang babala ang mamamayan na huwag magtayo ng bahay sa
malapit sa dagat. Hindi na dapat tayuan pa ang lugar na pininsala nang
malalaking alon sa Tacloban at iba pang bayan. Maaaring maulit ang delubyo roon
at marami na naman ang mamatay.
Magkaroon ng plano ang pamahalaan
ukol sa pagtatayo ng bahay. Ang mga mayor ang nararapat magpatupad ng kautusan.
Ipaliwanag sa mga residente ang kapahamakang sasapitin sakali at magkaroon nang
malakas na bagyo. Hindi dapat balewalain ang utos sa pagkakataong ito.
Ayon sa
report, mas maraming namatay sa mga nakatira sa barung-barong sapagkat madaling
nawasak ng hangin at alon. Umanoy marami nang squatters ang nagkumpol-kumpol
sa tabing dagat. Hindi na sila napigilan at lalo pang dumami sa paglipas ng
panahon.
Panahon na para maghigpit ang
pamahalaan sa pagtatayo ng bahay. Isagawa ito bago pa muling manalasa ang
bagyo.
Comments
Post a Comment