Isinusulong
na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagtatayo ng mga
bahay sa katabing mga ilog.
Sa Senate Bill No. 2956 na
tatawaging “The Housing Ban Along Riverbanks Act of 2011” na inihain ni
Senator Manny Villar, tuluyang ipagbabawal ang pagtatayo ng mga bahay sa
loob ng 10 metro mula sa gilid ng ilog, waterways at iba pang uri
ng inland waters.
Ayon kay Villar, hindi na dapat
maulit ang nangyari sa Cagayan de Oro City at Iligan City kung saan ilang daang
katao ang nasawi matapos anurin ng malakas na flashflood.
Sinabi ni Villar na katungkulan
ng gobyerno na mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan lalo na kung may
kalamidad.
Mas masisigurado ang kaligtasan
ng mga mamamayan kung tuluyan na silang pagbabawalan na tumira sa tabi ng ilog
at iba pang uri ng inland waters.
Sa sandaling maging ganap na
batas mahaharap sa anim na buwan pagkabilanggo at multang P50,000 ang mga
barangay chairman, mayor at gobernador na papayag magtayo ang mga residente
ng bahay na malapit sa ilog at iba pang uri ng waterways.
Comments
Post a Comment