Sa panahon ngayon marami na ang natutong gumawa ng paraan paano kumita online gamit ang celphone o computer.isa sa mga patok ngayon na pagkikitaan sa internet ay ang pagba-vlog. Kaya yong mga dating nag chichismis lang sa kanto ngayon ay kumikita na ng dolyar sa kanilang pagbavlog. sa pagbaVlog kc wala kang pera na bibitawan ang puhunan mo lang ay ang oras mo sa paggawa ng video content marami na ang nagpapatunay na kumikita sila dito.
Ang pag ba vlog ay katulad din sa pagtatanim o pag aalaga ng hayop na kapag ito ay tumaki at yumabong at tyak na mayron kang maani o mapakinabangan sa darating na panahon. kung dati ay sa Youtube lang kadalasang ang pagba-vlog ng mga vloggers ngayon mayron na rin sa Facebook. sa facebook pwede karin kumita sa pamamagitan ng pag upload mo ng mga videos sa iyong Facebook Page.
Kailangan lang na original video o sariling videos mo ang iyong iupload para magkaroon ka ng revenue. tulad din sa Youtube may mga palisiya o policy din ang facebook na dapat sundin ng mga vlogger o content creator para mabayaran sila sa kanilang pag ba-vlog.
kaya kung gusto mo rin matuto magvlog subukan mo na ngayon dapat wagkang mahiya ilabas ang iyong nalalaman na kaalaman o talento umpisahan mo na magtanim ng mga obra sa iyong Facebook Page o sa Youtube Channel para pagdating ng Panahon mayron kang maani.
Sa paggawa ng vlog ay hindi kailangan na perpekto o bihasa kahit bagohan ay pwede rito. hindi kailangan magaling sa computer kahit cellphone lang gamit mo ay pwede. ang kailangan lang ay ang originality kahit mahiyain ka ay pwede karin dito. kaya narito ang ilang video content na pwede mong gawin.
Video Content (para sa mga mahiyain na ayaw makita ang kanilang mukha)
1. DIY videos (gumagawa ka ng mga inventions o mag develop ng mga gadgets)
2. Story Telling (gumawa ka ng video na ikwento mo ang mga kwentong nakakatawa o nakakatakot lalapatan mo ng mga background pictures)
3. Cooking Videos (gumagawa ka ng mga video na nagluluto ka)
4. Fishing Adventure video (gumagawa ka ng videos na nangingisda ka)
5. Tutorial video (gumagawa ka ng video paano gawin ang mga kakaibang diskarte o paano patugtugin ang guitara o mga instrumento)
Video Content para sa mga hindi mahiyain (makakapal ang mukha :))
1. Song Cover (gagawa ka ng video habang kumakanta
2. Dance moves (gawan mo ng video ang mga kakaibang mong steps sa pag sasayaw
2. make -up tutorials - para sa mga babae pwede rin lalake
3. Daily routine Videos - ivlog mo kapitbahay mong chismosa
4. Travel videos (ivlog mo ang iyong pagbibiyahe kahit pupunta ka ng palingke ivlog mo)
5. Prank Comedy Video (videohan mo mga kalokohan mo kasama ang tropa mong mga tambay)
Comments
Post a Comment