Matagal ng palaisipan ang mahiwagang batong ito na tila nakapatong lang ng patagilid sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok ng Camandag Island. ilang malakas na bagyo na ang dumaan pero hindi man lang ito natinag. mahirap akyatin ang tuktok ng malaking bato sobrang napakatarik kaya bihira lang ang pweding maka akyat upang silipin ng malapitan ang batong ito.
Ang mga dumadaan sa ibaba ng bato ay may kaba na baka bigla itong gumulong paibaba para lang kasi itong ipinatong na para bang walang lakas at nakatagilid pa ito. naka sentro ang batong ito sa lugar ng Malobago. kaya kong nasa tabing dagat ka ng malobago makikita mo ang batong ito sa tuktok ng bundok. ito ay hugis itlog na may taas na halos 12 feet ang taas at lapad na 7 meters.
Kapag nasa tuktok ka na ng bundok dito ay matatanaw mo ang mga karatig isla na Sto nino, Almagro, Tagapul-an, masbati, calbayog at Biliran island. Ang isla ng camandag ay sagana sa mga pananim dito makikita ang mga nagtataasang puno ng niyog at marami ding mga punong kahoy at mga pananim ng mga magsasaka tulad ng kamote, balanghoy at ibat ibang klase ng saging.
Comments
Post a Comment