Kong Beach Spots ang pag uusapan abay di pahuhuli ang isla ng Sto. Nino at Camandag Island may mga magagandang lugar din na liguan ang mga islang ito kahit di gaano ka puti ng mga buhangin pero makikita mo naman ang linaw ng dagat talagang maaninag mo ang mga nag-gagandahang coral reef sa ilalim ng tubig bagamat hindi pa masyadong nadidevelop ang mga beach spots na ito ay marami na ang dumadayo mula sa iba't ibang lugar o probinsya dahil sa ganda ng tubig dagat dito talagang malinaw at malinis. Narito ang ilang Beach Spots na kadalasang binibisita ng mga tao lalo na ngayong panahon ng tag-init
1. Cabacungan Island
Ang Cabacungan island ay matatagpuan sa gitna ng Sto Nino at Camandag island ito ay maliit na isla lamang. isa sa nakakabighaning tanawin dito ay ang mga ibat ibang hugis ng bato at mga naggagandahang puno. dati noong hindi pa ito naumpisahang idevelop maraming mga malalaking bato ang tabing dagat pero ngayon ay unti unti na itong pinapatag at maganda na tingnan dahil may mga buhangin narin ito. kapag nasa tuktok ka ng isla ay matatanaw mo ang mga nakapaligid na mga islang katabi ang camandag island, sto nino island biliran island at almgro island.
2. Lajong Beach
Ang Lajong beach ay nasa katabing lugar lang ng Mactang na matatagpuan sa paligid ng Sto Nino Island. malapit lang din ito sa Cabacungan island. dito sa Lajong Beach ay talaga namang masarap maligo dahil bukod sa maputi ang buhangin dito napakalinaw din ng dagat. may mga cottages narin ito at nilagyan ng ng pantalan o daungan ng bangka
Comments
Post a Comment