Parang nakaramdam ng panganib si Randy.
"My gosh, wag naman sana akong mahuli na wala akong nagagawang aksyon.Tulungan po ninyo akong maisakatuparan ang misyon ko." Taimtim na dasal ni Randy.
Umiikot sa paligid ang mata ni Aling Belinda. Sinisigurado nito na walang tao sa paligid niya. Ngunit nakaramdam siya ng kaluskos malapit sa pinagtataguan ni Randy.
Naglakad ito papalapit sa kinaroroonan ni Randy.
Hindi na makahinga si Randy sa takot.
Mabuti na lang biglang lumabas ang malaking daga.
"Hayup kang daga ka!!!!! Tinakot mo pa ako ng dahil dyan. Mamatay ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni aling Belinda at talagang halos mabasag ang eardrum ni Randy sa lakas ng sigaw ni Aling Belinda.
at kitang-kita ni Randy kung paano nagkikisay ang daga. Hindi nga siya nagkamali isang sabi lang nito talagang mamatay ang isusumpa nito.
Nagmamadali namang tumakbo sa likod bahay si Aling Belinda.
Kaya naman nakahinga na ng maluwag si Randy....
Mga 5 minuto ito nagtagal sa likod bahay at pagkatapus ay umalis ito papunta sa kakahuyan dala dala ang itak....
Nagmadali namang pinuntahn ni Randy ang pinanggalingan nito.
Halos masuka-suka siya sa amoy.
"Hayup na matanda na ito pamatay sa baho ang dumi (tae). Humanda ka sa gagawin ko."
Takip ang ilong at diring diri na dinampot nito ang mabahong dumi ni Aling Belinda.
"EEEEEEEEEEEEEEiwwww kakadiri. Mabilis na inilagay ni Randy ang tae ni Aling Belinda sa hawakan ng pintuan ng bahay. Nang madinig niya ang kaluskos ng paa ni Aling Belinda nagmadali siya nagtago.
Dinig na dinig niya ang galit nito ng makarating sa bahay niya. Nahawakan niya ang sariling tae ng buksan nito ang pinto.
"Kung sino man ang may-ari ng tae na ito. Ma-ma-tay na ngayon din." Sigaw ng malakas ni Aling Belinda sabay buhos ng malakas na ulan at isang malakas na kidlat na noon lamang nakita ni Randy.
Dahil sa takot napadapa si Randy sa likod ng puno at ng silipin nya ang kinaroroonan ni Aling Belinda nakita niyang nagkikikisay ito. at maya-maya lang ay binawian na ng buhay.
Bigla naman nagdatingan ang taong-bayan at may pangontra ang mga ito. Isang magaling na pari mula sa kabilang baryo. Ngunit ng dinatnan ng mga tao ang bahay ni aling belinda ay wala ng buhay ang matanda. Araw ng Miyerkules nila sinakatuparan ang misyon dahil alam nilang mahina ang kapangyarihan ng matanda ngunit hindi na nila nagawa pa ang ritwal.
"Wala ng buhay ang matandang ito. Tinamaan ng kidlat. Sunog ang kalahating pisngi." sigaw ng isang lalaki.
Masaya si Randy na natapos na ang kasamaan sa kanilang lugar..
Balitang balita sa lugar nila ang nangyari sa matanda. Ngunit nanatiling lihim sa kanya ang kanyang ginawa. Hinayaan niya na paniwalaan ng taong bayan na kidlat ang ikinamatay nito.
Umuwi ng bahay si Randy dala ang di makalimutang karanasan pagkadating nya sa kanilang bahay ay agad nag mano siya sa kanyang nanay at Biglang nangati ang ilong ni Randy at dali dali niya itong sinundot ng daliri nya
"Ewwwwwwwwwwwwwww....ang baho." Diring diri na tumakbo sa banyo si Randy para maligo dahil nakalimutan niya maghugas ng kamay.
"Randy,, lintik kang bata ka. Saan mo ba inihawak ang kamay mo at pati ako dinamay mo pa. Amoy tae kamay ko." Diring diri na sabi ng Nanay nito.
The End.....
Comments
Post a Comment