Isa sa mga hinahanap ng mga bakasyonista kapag sila ay nagbabakasyon sa isla ay ang Kinhason o Seashells sa wikang english dahil bukod sa masustansya ay talaga namang swak ito gawing pulutan lalo na kapag ang iniinom na alak ay brandy tulad ng Alfonso at Emperador. Masarap ito gawing kinilaw at gawing adobo talagang malinam-nam ang lasa ng kinhason na kung tawagin sa bisaya ay Koya kong sa English ay Clam. Ang maliliit na shell nito ay makikita mo lang sa gilid ng malalaking bato sa tabing dagat ngunit ang malalaking shell nito ay mahirap na kunin dahil nasa malalim na ito ng dagat. hindi ka basta basta makakapagbili nito kaagad dapat mag order ka muna para ma-scheduled ang pagkuha nito. Sa lugar ng camandag island maraming mga marunong kumuha ng Giant Clams alam nila kong saan makakuha nito. yong iba gumagamit pa ng Compressor o Oxygen para makasisid sa malalim na parte ng dagat.
Bukod sa Seashells sagana din sa Sea Urchins o Toyom ang dagat ng Sto Nino at Camandag island. Ang Sea Urchins o Toyom ay mayaman sa protina Ang juice ng Sea Urchin ay parang lasang balot din, ang kinakain dito ay ang itlog nya pwede itong kainin as traditional medicine pwede gamiting food sumplement para sa may mga Rayuma, sa Kidney Trouble, at Goiter. Tulad sa itlog at karne may sapat din itong kaloress para makatulong para gumanda ang pagdaloy ng ating dugo at mainam din ito para sa puso marami din ang nag sasabing ito ay pampasigla sa pagtatalik at mainam din ito sa mga nagpapayat o nagdidyeta.
Comments
Post a Comment