Babala: Pwedeng magresulta sa mga multa at/o pagkakakulong ang mga paglabag.
Ipinagbabawal ang pangangampanya! Sa lugar malapit sa taong nakapila para bumoto sa kanyang balota o sa loob ng 100 talampakan mula sa pasukan ng lugar ng botohan, curbside voting, o drop box, ang mga sumusunod na aktibidad ay ipinagbabawal:
• HUWAG utusan ang isang tao na iboto o hindi iboto ang sinumang kandidato o anumang panukala sa balota.
• HUWAG ipakita ang pangalan, larawan, o logo ng isang kandidato.
• HUWAG harangan ang daanan papunta sa o tumambay sa anumang drop box ng balota.
• HUWAG magbigay ng anumang materyales o naririnig na impormasyon na nasa panig ng o laban sa sinumang kandidato o anumang panukala sa balota malapit saanmang lugar ng botohan, vote center, o drop box ng balota.
• HUWAG magpakalat ng anumang petisyon, kabilang ang para sa mga inisyatiba, referendum, recall, o nominasyon ng kandidato.
• HUWAG mamahagi, magpakita, o magsuot ng anumang damit (mga sumbrero, damit, sign, butones, sticker) na may pangalan, larawan, logo ng isang kandidato, at/o suportahan o kalabanin ang sinumang kandidato o panukala sa balota.
• HUWAG magpakita ng impormasyon o kumausap ng botante tungkol sa pagiging kwalipikado ng botante na bumoto.
Ang mga pagbabawal sa pangangampanya na nakabuod sa itaas ay nakasaad sa Artikulo 7 ng Kabanata 4 ng Dibisyon 18 ng Elections Code ng California.
Babala: Ipinagbabawal ang pandaraya sa proseso ng botohan!
Pwedeng magresulta sa multa at/o pagkakakulong ang mga paglabag.
Ano ang mga aktibidad na ipinagbabawal:
• HUWAG gumawa o subukang gumawa ng panloloko sa halalan.
• HUWAG magbigay ng anumang uri ng bayad o suhol, sa anumang anyo o sa pamamagitan ng anumang paraan, para hikayatin o subukang hikayatin ang isang taong bumoto o hindi bumoto.
• HUWAG bumoto nang ilegal.
• HUWAG subukang bumoto o tumulong sa iba na bumoto kapag hindi siya kwalipikadong bumoto.
• HUWAG lumahok sa pangangampanya; kunan ng litrato o i-record ang isang botanteng papasok o palabas sa lugar ng botohan; o harangan ang pasukan, labasan, o paradahan.
• HUWAG pigilan ang karapatan ng isang tao na bumoto o pigilan ang mga botante na bumoto; iantala ang proseso ng botohan; o mapanlokong abisuhan ang sinumang tao na hindi siya kwalipikadong bumoto o hindi siya rehistradong bumoto.
• HUWAG subukang alamin kung bumoto ang isang botante sa kanyang balota.
• HUWAG magdala o sabihan ang isang tao na magdala ng baril sa lugar malapit sa lugar ng botohan na may ilang pagbubukod.
• HUWAG pumunta o sabihan ang isang tao na pumunta nang nakasuot ng uniporme ng peace officer, guwardiya, o security personnel sa lugar malapit sa lugar ng botohan na may ilang pagbubukod.
• HUWAG pakialaman o gambalain ang anumang bahagi ng sistema ng botohan.
• HUWAG i-forge, pekein, o pakialaman ang mga return sa isang halalan.
• HUWAG baguhin ang mga return sa isang halalan.
• HUWAG pakialaman, sirain, o baguhin ang anumang poll list, opisyal na balota, o lalagyan ng balota.
• HUWAG magpakita ng anumang hindi opisyal na lalagyan para sa koleksyon ng balota na posibleng manlinlang ng botante na maniwalang isa itong opisyal na kahon para sa koleksyon.
• HUWAG pakialaman ang kopya ng mga resulta ng mga pagboto.
• HUWAG manghikayat o manlinlang ng taong hindi kayang magbasa o nakatatanda na iboto o hindi iboto ang isang kandidato o panukala na kabaliktaran ng kanyang nilalayon.
• HUWAG kumilos bilang opisyal ng halalan kapag hindi ka ganoon.
HINDI pwedeng hilingin ng mga employer sa kanilang mga empleyado na dalhin ang kanilang balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa trabaho o hilingin sa kanilang empleyado na bumoto sa kanilang balota sa trabaho. Sa panahon ng pagpapasahod, hindi pwedeng magsama ang mga employer ng mga materyales na sumusubok na impluwensyahan ang mga opinyon o pagkilos sa pulitika ng kanilang empleyado.
HINDI pwedeng subukan ng mga miyembro ng lupon ng presinto na tukuyin kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota o, kung matutuklasan ang impormasyong iyon, ihayag kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota.
Ang mga pagbabawal sa aktibidad na nauugnay sa pandaraya sa proseso ng botohan na nakabuod sa itaas ay nakasaad sa Kabanata 6 ng Dibisyon 18 ng Elections Code ng California.
Ang isinalin na nilalaman ay ibinigay ng Tanggapan ng Kalihim ng Estado.
Comments
Post a Comment