Maliliit na mangingisda nagpasalamat dahil sagana ang kanilang huli mula ng mawala ang mga illegal fishing na Hulbotan at Trawling
Panglalambat ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa isla ng sto nino samar. dito sila kumukuha ng kita para matustusan ang pang-araw araw na gastosin. ngunit minsan sa pagpapalaot nila ay wala silang mahuli kahit pang ulam lang. sa mga nakaraang taon kc doble ang kalbaryo ng mga mangingisda dahil sa talamak na illegal fishing tulad ng hulbotan at trawlan halos araw araw may makikita kang malalaking bangka na nangingisda kaya isa sa dahilan kong bakit kaunti nalang ang nakukuha ng mga maliliit na mangingisda sa kanilang lambat dahil nauubos na ng mga malalaking fishing boat. pero ngayon ay unti unti ng nawala ang mga fishing boat dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga illegal fishing marami na ang nag papatrolya sa karagatan upang hulihin ang mga illegal fishing boat kaya naman malaking pasasalamat ng mga mangingisda dahil unti unti naring dumarami ang kanilang nahuhuling isda bawat palaot nila.
Simple lang ang pamumuhay ng mga tao sa isla kahit mahirap kinakaya nila na magsakrapisyo araw araw mangisda para buhayin ang kanilang pamilya kahit gipit man sila dahil sa mga gastosin at pagpaparal ng kanilang mga anak masaya parin sila sa kanilang buhay. nasaksihan ko paano mamuhay ang taga isla kahit mahirap may ngiti parin sila at may mabuting kalooban kahit pang ulam nalang nila binibigay pa nila sa mga tao na humihingi sa kanila bawat daong nila galing sa pangingisda.
Kaya hiling nila na sana tuloy tuloy ng mawala ang illegal fishing sa karagatan upang maging sagana ang kanilang hanap buhay sa dagat. dalawang klase ang hanap buhay ng maliliit na mangingisda sa isla ang una ay tinatawag na palubogan gamit nila ay lambat at ang pangalawa ay untak untak o kawil. ang mga nahuhuli nilang isda ay binibenta nila sa fish dealer at dinadala sa calbayog city.
Ang nais nilang maiparating sa mga kinaukulan na sana paigtingin pa ang panghuhuli sa mga illegal fishing upang mabigyan naman ng hanapbuhay ang mga katulad nilang maliliit na mangingisda kahit hindi man sila makahuli ng marami sa bawat palaot nila basta may maiuwi lang silang konting kita para sa kanilang pamilya.
Comments
Post a Comment