MGA MALILIIT NA MANGINGISDA SA ISLA HINDI MADADAMOT KAHIT PANG ULAM NALANG NILA ANG HULI NILANG ISDA BINIBIGAY PA SA MGA TAO
Maganda mamuhay sa isla kahit malayo man ito sa ciudad at kahit mahirap man ang tranportansyon mas gugustohin ko mamuhay sa isla dahil nakaka relax sa isipan nakakawala ng stress lalo na pag makikita mo ang mga tanawin sa paligid at dito mo rin matitikman ang sari saring Sea foods na sariwa.
nakikita ko ang pamumuhay sa isla ang pangunahing hanapbuhay doon ay ang pangingisda. araw gabi silang nangingisda gamit ang kawil habang nakasakay sa maliit na bangka. yong ibang mangingisda ay sagwan lang ang gamit dahil di nila kaya makabili ng makina para magamit nila sa kanilang maliit na bangka. mahirap ang hanapbuhay nila dahil naaabutan sila ng ulan, alon at malakas na hangin sa laot. minsan pa nga ay wala silang huli dahil malakas ang current ng tubig dagat tinatawag nilang "sulog" kaya minsan umuuwi silang walang maulam at benta.
Kadalasan naman kapag maraming huli ang mga mangingisda sagana sa ulam sa isda ang mga tao dahil namimigay ang mga mangingisda sa bawat nagaabang sa kanila sa daungan, kahit pagod sa maghapong pangingisda bakas parin sa kanila ang saya kahit konti nalang ang natira na isda ay pinamimigay parin nila ito sa mga tao.sabi nga nila share your blessing ika nga kaya naman tuwang tuwa din ang mga nagaabang dahil may pang ulam na sila hindi na sila gagastos o bibili pa ng ulam.
Simple lang ang buhay sa isla nakakaraos din kahit mahirap marami din ang nakapag tapus sa pag aaral at nakapag trabaho ng maganda ang mga taga isla. kahit minsan ay minamaliit sila ng taga cuidad dahil sa istado ng kanilang pamumuhay. pero ang taga isla ay di padadaig sa mga namamaliit sa kanila kahit ganyan lang ang hanapbuhay nila mayron naman silang ginintuang puso na nakakapagpasaya sa kapwa.
Comments
Post a Comment