Skip to main content

Posts

Ang Mahiwagang Bato sa tuktok ng Bundok ng Camandag Island

Matagal ng palaisipan ang mahiwagang batong ito na tila nakapatong lang ng patagilid sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok ng Camandag Island. ilang malakas na bagyo na ang dumaan pero hindi man lang ito natinag. mahirap akyatin ang tuktok ng malaking bato sobrang napakatarik kaya bihira lang ang pweding maka akyat upang silipin ng malapitan ang batong ito.  Ang mga dumadaan sa ibaba ng bato ay may kaba na baka bigla itong gumulong paibaba para lang kasi itong ipinatong na para bang walang lakas at nakatagilid pa ito. naka sentro ang batong ito sa lugar ng Malobago. kaya kong nasa tabing dagat ka ng malobago makikita mo ang batong ito sa tuktok ng bundok. ito ay hugis itlog na may taas na halos 12 feet ang taas at lapad na 7 meters. Kapag nasa tuktok ka na ng bundok dito ay matatanaw mo ang mga karatig isla na Sto nino, Almagro, Tagapul-an, masbati, calbayog at Biliran island. Ang isla ng camandag ay sagana sa mga pananim dito makikita ang mga nagtataasang puno ng niyog ...
Recent posts
  MGA MALILIIT NA MANGINGISDA SA ISLA HINDI MADADAMOT KAHIT PANG ULAM NALANG NILA ANG HULI NILANG ISDA BINIBIGAY PA SA MGA TAO Maganda mamuhay sa isla kahit malayo man ito sa ciudad at kahit mahirap man ang tranportansyon mas gugustohin ko mamuhay sa isla dahil nakaka relax sa isipan nakakawala ng stress lalo na pag makikita mo ang mga tanawin sa paligid at dito mo rin matitikman ang sari saring Sea foods na sariwa. nakikita ko ang pamumuhay sa isla ang pangunahing hanapbuhay doon ay ang pangingisda. araw gabi silang nangingisda gamit ang kawil habang nakasakay sa maliit na bangka. yong ibang mangingisda ay sagwan lang ang gamit dahil di nila kaya makabili ng makina para magamit nila sa kanilang maliit na bangka. mahirap ang hanapbuhay nila dahil naaabutan sila ng ulan, alon at malakas na hangin sa laot. minsan pa nga ay wala silang huli dahil malakas ang current ng tubig dagat tinatawag nilang "sulog" kaya minsan umuuwi silang walang maulam at benta. Kadalasan naman k...

Mga Events at Palaro sa Barangay ay nakakapagbigay aliw sa mga tao

Likas sa mga pilipino ang mahilig sa sports kaya karamihan sa mga lugar sa pilipinas ay may kanya kanyang palaro lalo na pag sumapit ang kapyestahan sa kanilang barangay. bago ang araw ng fiesta ay may mga pacontest at palaro tulad ng basketball, Volleyball at iba pang sports na siyang inaabangn ng mga tao. isa ito sa nag bibigay aliw at saya sa mga kabarangay at mga dayuhan dito rin makikilala ang mga magagaling na manlalaro.  Dito mo rin makikita ang makikisig na mga manlalaro hindi lang hunks ang pormahan magaling pa humawak ng bola. karamihan sa mga sumasali sa mga paliga o tournament ay mga taga probinsya dito kc karamihan ang mahilig sa sports hindi lang mga kalalakihan ang marunong mag basketball mayron ding mga kababaihan na magaling maglaro ng basketball at Volleyball sa lugar namin sa probinsya.  Kaya malaki ang pasasalamt ng mga tao sa mga nag manage sa mga palaro na tulad nito dahil marami ang natuwa at naaliw habang pinapanood nila ang laro. isa sa nagman...
  MGA LUMANG KANTA NA TUMATAK SA ATING ISIPAN NILAPATAN NG MGA LUMANG PICTURES AT VIDEOS MULA PA NOONG PANAHON HINDI PA USO ANG MGA MAKABAGONG TELEPONO NA MAY MAGANDANG CAMERA. MAHIGIT LABING LIMANG TAON (15 YRS) NA ANG MGA KARAOKE VIDEOS NA ITO SA YOUTUBE AT PATULOY PARIN ITONG TINATALAKAY NG MGA MANONOOD KAHIT LUMA PERO MAY HATID NA SAYA SA TUWING ITO AY KANILANG KINAKANTA HABANG NAGKASAYAHAN O NAG-IINUMAN KASAMA ANG MGA KAIBIGAN. Tagalog Karaoke (May Pag-big Pa Ba) English Karaoke (Wonderful Tonight) Tagalog Karaoke (Bikining Itim) Tagalog Karaoke (Totoy Bibo) English Karaoke (Stuck on You) Tagalog Karaoke (Muli) English Karaoke (Beautiful in my Eyes) English Karaoke (Love of a Life Time) English Karaoke (The Past) For More Karaoke Visit our YouTube Channel            

Maliliit na mangingisda nagpasalamat dahil sagana ang kanilang huli mula ng mawala ang mga illegal fishing na Hulbotan at Trawling

  Panglalambat ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa isla ng sto nino samar. dito sila kumukuha ng kita para matustusan ang pang-araw araw na gastosin. ngunit minsan sa pagpapalaot nila ay wala silang mahuli kahit pang ulam lang. sa mga nakaraang taon kc doble ang kalbaryo ng mga mangingisda dahil sa talamak na illegal fishing tulad ng hulbotan at trawlan halos araw araw may makikita kang malalaking bangka na nangingisda kaya isa sa dahilan kong bakit kaunti nalang ang nakukuha ng mga maliliit na mangingisda sa kanilang lambat dahil nauubos na ng mga malalaking fishing boat. pero ngayon ay unti unti ng nawala ang mga fishing boat dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga illegal fishing marami na ang nag papatrolya sa karagatan upang hulihin ang mga illegal fishing boat kaya naman malaking pasasalamat ng mga mangingisda dahil unti unti naring dumarami ang kanilang nahuhuling isda bawat palaot nila. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao sa isla kahit mahirap kinakaya nila...

Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain ngayong Eleksyon 2023

Babala:  Pwedeng magresulta sa mga multa at/o pagkakakulong ang mga paglabag.    Ipinagbabawal ang pangangampanya!  Sa lugar malapit sa taong nakapila para bumoto sa kanyang balota o sa loob ng 100 talampakan mula sa pasukan ng lugar ng botohan, curbside voting, o drop box, ang mga sumusunod na aktibidad ay ipinagbabawal: • HUWAG  utusan ang isang tao na iboto o hindi iboto ang sinumang kandidato o anumang panukala sa balota. • HUWAG  ipakita ang pangalan, larawan, o logo ng isang kandidato. • HUWAG  harangan ang daanan papunta sa o tumambay sa anumang drop box ng balota. • HUWAG  magbigay ng anumang materyales o naririnig na impormasyon na nasa panig ng o laban sa sinumang kandidato o anumang panukala sa balota malapit saanmang lugar ng botohan, vote center, o drop box ng balota. • HUWAG  magpakalat ng anumang petisyon, kabilang ang para sa mga inisyatiba, referendum, recall, o nominasyon ng kandidato. • HUWAG  mamahagi, magpak...
Sa pagtatapus ng Liga sa basketbal ng SK Federation inter Barangay Tournanment may mga naiwang panghihinayang ang mga taga subaybay at lalo na ang kuponan ng Brgy. Villermosa na dapat sana sila ang Nakasali sa championship game kalaban ang Brgy. Cabungaan ngunit na defualt sila sa kanilang game scheduled sa kadahilanang masama ang panahon noong araw sana ng kanilang laro dahil sa papalapit na bagyo. Ang Brgy. Villahermosa ay medyo malayo sa Sto Nino proper kailangan pa nila sumakay ng Bangka para makatawid sa Lungsod ng Sto Nino at dahil nga sa masama ang panahon at malaki ang alon at hangin hindi sila natuloy sa pag alis kaya sila na default.    Marami ang nalungkot na mga fans ng Bgry. Villahermosa dahil umasa sila na makakasali ang team nila sa Championship at may posibilidad pa daw itong mag kampion dahil sa alam nila na kaya ng team villahermosa na talunin ang kalaban. matatandaang ang team villahermosa ay nagkampion din noong nakaraang taon sa inter barangay tournamen...

Isang Tambay sa Kanto naging Super Hero

Kilalang tambay sa kanilang lugar si Randy (di tunay na pangalan) mula ng iniwan sila ng kanyang ama ay huminto na siya sa pag aaral ng high school at sa musmos nyang edad natuto na siyang magtrabaho mag buhat ng mabibigat minsan ay umi-extra extra siya sa pamamasada ng trycicle.  Minsan narin siyang napagkamalang adik at basaguliro dahil sa pagsama nya sa barkada at pagkasangkot sa gulo pero ni minsan ay di siya sumama sa masamng gawain ng kanyang mga barkada. "Ano Randy sasama kaba mamaya kalakalin natin yong mga mangga ni aling tinay tiba tiba tayo dun daming bunga sambit ng barkada nyang si Boy Tukmol. Ayaw ko pare masama yang binabalak nyo kawawa naman si aling tinay pinagpaguran nya ang pag aalaga dyan sa mga pananim nyang mangga tapus nanakawin lang natin wika ni randy. Cge kong ayaw mong sumama di wag! padabog na sambit ni boy tukmol. Kinabukasan ay nagkagulo sa kanilang bayan dahil nagwawala si aling tinay dahil inubos ang bunga ng kanyang mangga pero di nila alam k...

Ang pag-sisisi ay nasa huli (kwento ng isang mangingisdang gumamit ng Dinamita)

  Noong unang panahon may isang binatang nagngangalang Serio nakatira siya sa isang isla lagi siyang sinasama ng kanyang itay sa laot para mangisda. isang araw hnidi sila natuloy umalis ng kanyang itay dahil masama ang panahon kaya siya ay namasyal nalamang sa dalampasigan kasama ang alaga nyang aso para magpahangin. habang nakasandal si serio sa malaking puno malapit sa tabing dagat bigla siyang nakaramdam ng antok at maya maya pa'y "Serio. .Serio. . tinig ng isang babae, malaAnghel ang boses nito tila b dinadala sya sa langit. Napalingon si serio sa kanyang likuran.. Mula sa batuhan ay nakita nya ang isang napakagandang dilag.....Nakaupo ito sa mga bato at nakatago ang kalahati ng katawan. "Serio lumapit ka dito..malaAnghel na wika ng magandang babae. MahabA ang buhok nito. Wlang suot na pang-itaAs ang babAe kaya kitang kita ni serio ang malulusog nitong dibdib. Agad siyang lumapit sa kinaror0onan nito. Umawit ang babae,na laloNg nagpadagdag sa kagandahan nito.. Unti...

Mga Kwento tungkol sa Biringan City

  Sa Lalawigan ng Samar, ang pagbanggit sa “Biringan” ay nagbubunga ng sindak, takot, pagkatok sa kahoy at hindi mabilang na mga palatandaan ng Krus. Ano ang Biringan? Ito ay iniulat na isang hindi natukoy na lokasyon sa isang lugar sa pagitan ng Calbayog City at Catarman, Northern Samar, kung saan ang isang mythic (mga) lungsod ng hindi mailarawang kadakilaan ay/sinasabing umiiral, hindi binibisita ng mga ordinaryong mortal, na kilala lamang sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang kwentong bayan na tumangging makalimuatn sa kabila ng pagdating ng telebisyon at internet. Ang iba pang mga ulat ay umaabot sa lugar nito hanggang sa timog ng San Jorge, Samar. Ang kalidad ng Biringan na “now-you-see-it, now-you-don’t” ay nagpapahiwatig na ito ay hindi sa karaniwang lupain at tubig na kalupaan kung saan tayo nakatira. Ito ay tila umiral sa ibang dimensyon, na nagpapaliwanag kung bakit ang mga hangganan nito maaaring magkakapatong sa mga kilalang bayan at lungsod ng isla ng Samar. Sa ...